Ang Pagkakaiba ng Kalagayan ng Kapaligiran ng Sariling Komunidad Ngayon at Noon

Ang Pagkakaiba ng Kalagayan ng Kapaligiran ng Sariling Komunidad Ngayon at Noon

Pag-aralan natin ang pagkakaiba ng kalagayan ng sariling komunidad ngayon at noon.

May pagkakaiba ba sa kalagayan ng kapaligiran ngayon at noon? Anu-ano kaya ang mga pagkakaibang ito?

Yamang Lupa at Yamang Tubig/ Anyong Lupa at Anyong Tubig

- Mayroong iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig na makikita sa ating komunidad.

- Ang mga anyong lupa ay ang mga likas na katangian ng ibabaw ng mundo. Ang halimbawa ng mga anyong lupa sa komunidad ay kapatagan, bundok, bulubundukin, bulkan, burol, pulo, lambak, talampas, at tangway.

- Ang mga anyong tubig ay ang akumulasyon ng tubig sa ibabaw ng mundo. Ang halimbawa ng mga anyong tubig sa komunidad ay karagatan, dagat, ilog, look, lawa, golpo, kipot, talon, at bukal.

Ang Pagkakaiba sa mga Kapaligiran Ngayon At Noon

 

NGAYON

NOON

ANYONG LUPA

-Nakakalbo ang mga bundok dahil sa illegal logging

 

- Karamihan ay ginamit upang pagtayuan ng mga gusali at subdivision

 

-Punong puno na ang mga lugar ng mga kabahayan at naglalakihang gusali

 

-madumi at  nagkalat na ang mga basura

 

- Marami ang mga puno

 

 

- Ito ay malalawak na mga palayan

 

 

- Kakaunti ang mga bahay at gusali

 

 

- malinis ang paligid at kakaunti ang basura

 

 

 

 

ANYONG TUBIG

Marumi ang tubig, ang iba ay nagkaroon ng lason dahil sa itinapong basura

 

Nabawasan ang mga isda at mga halamang dagat dahil sa paggamit ng dinamita

 

Malinis, maaari pang inumin ang tubig

 

 

Maraming isda at halamang dagat

 

Ang mga likas na yaman tulad ng anyong lupa at tubig na matatagpuan sa kapaligiran ay dapat na ingatan sapagkat mahalaga ang mga ito sa pamumuhay ng mga tao sa komunidad. (Kaugnay: Mga pamamaraan sa pangangalaga sa kapaligiran)

Mga Hakbang Ng Pamahalaan Sa Pagharap Sa mga Suliraning Pangkapaligiran Sa Sariling Pamayanan

May mga hakbang ang pamahalaan sa pagharap sa mga suliraning pangkapaligiran sa sariling pamayanan. Halimbawa, itinuturo at isinusulong ng pamahalaan ang mga sumusunod na halimbawa ng tamang pangangalaga pagpapahalaga sa mga likas na yaman (mga anyong lupa at anyong tubig):

1. Pagiging responsable sa mga gawain upang hindi makasira sa kapaligiran at kalikasan.

2. Pagsuporta sa mga programang may layuning mapangalangaan ang mga anyong lupa at tubig.

3. Hindi pagputol ng mga puno at halaman sa kagubatan ang walang paalam sa pamahalaan.

4. Hindi pagtatapon ng mga basura at kalat sa mga anyong tubig.

5. Pagsali sa mga tree planting activities at clean up drives.

Para sa mga tiyakang hakbang ng pamahalaan sa pangangalaga sa kapaligiran at mga likas na yaman, basahin ang:

Ang Mga Hakbang Ng Pamahalaan Sa Pagharap Sa Mga Sulliraning Pangkapaligiran Sa Sariling Pamayanan

Copyright © by Celine de Guzman/MyInfoBasket.com

 

Sa mga mag-aaral: Para sa komento o assignment, gamitin ang comment section sa: Pangangalaga sa Kapaligiran (Puno, Halaman, Hayop, at mga Yaman sa Kalikasan)

 

Sponsored Links