Ang komunidad ay isang lugar kung saan naninirahan ang mga grupo o pangkat ng tao. Ang ilang halimbawa ng komunidad ay matatagpuan sa kapatagan, bundok, baybayin, at kabukiran.
Ang komunidad ay may dalawang uri, komunidad na rural at komunidad na urban.
Komunidad na Urban
Ang komunidad na urban ay karaniwang matatagpuan sa siyudad o lungsod. Malaki ang sukat nito kumpara sa isang rural na komunidad at madami ang bilang ng populasyon. Ang mga daan rito ay malalaki at malalawak.
Matatagpuan rito ang malalaking gusali o skyscrapers, mga di mabilang na sasakyan, mga pamilihan, mall at pasyalan, mga malalaking establisimiyento tulad ng paaralan, pagamutan at iba pa. Kinabibilangan ito ng maraming uri ng tao mula sa mga iba’t-ibang pinagmulan, etniko, relihiyon, estado sa buhay.
Komunidad na Rural
Ang komunidad na rural ay kabaligtaran naman ng urban na komunidad sapagkat ito ay kadalasang makikita sa mga lugar na malayo sa siyudad. Sa komunidad na ito ay hindi gaanong magkakalapit ang mga tahanan at kadalasan ang mga ito ay gawa sa kahoy.
Maraming bakanteng lupa na may mga pananim na palay at ibang uri ng mga halaman. Ang karaniwang hanapbuhay ng mga tao rito ay pagsasaka, pangingisda at pagtatanim sapagkat madalas na malapit ang mga komunidad na ito sa bundo, kagubatan at baybayin.
Dahil hindi gaanong makapal ang bilang ng tao sa komunidad na rural, halos magkakakilala ang mga tao rito. May pagkakataon pa nga na halos alam na nila ang kuwento ng bawat isa. (Ituloy ang pagbasa sa
Komunidad: Kahulugan at Mga Halimbawa)
Copyright © by Celine de Guzman/MyInfoBasket.com