Ang Kahalagahan ng Komunidad (At ang Community Pantry)

Bakit mahalaga sa buhay ng isang tao ang kaniyang komunidad?
Ang salitang mahalaga ay mula sa salitang ugat na halaga. Ang isang tao, bagay at iba pa ay masasabing mahalaga kung ito ay may silbi o saysay.
 
 
Ang komunidad ay may ginagampanang mahalaga sa buhay ng mga tao. Natutugunan ng komunidad ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao na mga kasapi nito.
 
Ang komunidad o pamayanan ay mahalaga sa bawat tao.
 
Bakit mahalaga ang komunidad sa isang tao? Dahil nasa komunidad ang kaniyang tahanan at pamilya.Tinutugunan ng komunidad ang kaniyang mga pangangailangan upang mabuhay. Mahalaga ang komunidad sapagkat natutugunan nito ang mga sumusunod na pangangailangan ng tao:
 
Hinuhubog din ng komunidad ang diwa ng:
pagiging kabilang o sense of belonging
pagtutulungan
pag-uunawaan
pagkakaisa
kapayapaan
pakikipagkapwa
 
Natutunan natin kung gaano kahalaga ang komunidad sa sating buhay. Kaya marapat naman na ito ay ating pahalagahan. Maraming paraan upang ipakita ang ating pagpapahalaga sa ating komunidad. Mula sa simpleng pagtulong sa paglilinis at pakikilahok sa mga proyekto ng isang komunidad, naipapakita ang pagpapahalaga rito.

Ang “Community Pantry”

Nadinig mo na ba ang tungkol sa “community pantry” na nauso sa ilang komunidad sa bansa?
 
Itinataguyod nito ang prinsipong MAGBIGAY AYON SA KAKAYAHAN, KUMUHA BATAY SA PANGANGAILANGAN.
 
Ayon sa Wikipedia, ang community pantry ay isang lugar o pwesto sa komunidad na may mga libreng pagkain at iba pang donasyong nakalatag na maaaring kuhanin ng sino mang tao o kaya naman ay maaaring magbigay ang sinuman ng karagdagang suplay. Tinawag din itong bodegang bayan.
 
Ang nagpasimula nito ay isang residente sa lungsod ng Quezon. Ang simpleng pagtulong niya sa mga nangangailangan dulot ng pandemya ng Covid-19 ay hindi niya inakalang lalawak sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
 
Ang community pantry ay masasabi rin nating isang paraan ng pagpapahalaga sa ating komunidad sapagkat nakatutulong ito sa mga nangangailangang kasapi nito na siyang bumubuo ng komunidad.
 

Paglalagom

- Mahalaga sa atin ang komunidad.
 
- Natutulungan nitong matugunan ang iba’t-iba nating mga pangangailangan tulad ng pagkain/kasuotan , tahanan/bahay, kaalaman/edukasyon, hanapbuhay/pagkakakitaan, kaligtasan, libangan at kalusugan.
 
- Hinuhubog din nito ang diwa ng pagiging kabilang o sense of belonging, pagtutulungan, pag-uunawaan, pagkakaisa, kapayapaan at pakikipagkapwa.
 
- Dapat nating pahalagahan ang ating komunidad.

Kaugnay: 

Mga Pagkain o Lutuing Ipinagmamalaki sa mga Rehiyon sa Pilipinas
 
Copyright © by Celine de Guzman/myinfobasket.com
 

Para sa mga komento, gamitin ang comment section dito

Sponsored Links