Kasanayang Pampagkatuto
Naibabahagi ang mga sariling pananaw na makapaglilinaw ng kahalagahan ng personal at pansariling pag-unlad sa paggawa ng pasya tungkol sa nais na kurso
Bilang nagdadalaga o nagbibinata, ang pagpapasya sa karera ay isa sa mga pangunahing desisyon na kailangan mong gawin. Ang pagpili ng isang karera ay nangangailangan ng maingat na pagpaplano, paghahanda, at pagsasaalang-alang ng lahat ng mahahalagang elemento na mahalaga sa matalinong pagpili ng karera o bokasyon.
Marapat na iwasan ng sinoman ang biglaang pagpasok sa isang kurso na maaaring humantong sa pagsasayang ng panahon, pagod, at mga panggugol dahil sa ang kurso ay hindi pala angkop sa kanya.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang mga mahahalagang leksiyon sa personal na pag-unlad, inaasahan na makapagbabahagi ka ng iyong mga pananaw tungkol sa kahalagahan ng personal na pag-unlad sa paggawa ng desisyon ukol sa karera bilang isang nagbibinata/nagdadalaga.
Halimbawa, makatutulong na talakayin mo, gamit ang sarili mong mga pananalita, ang Mga Salik sa Personal na Pag-Unlad na Mahalaga sa Pagpili ng Kurso (mahahanap sa search engine ng MyInfoBasket.com)
Ang mga prinsipyo na nauugnay sa konseptong tinatawag na pag-unlad ng personalidad, kung maayos na nagamit sa pagpili ng karera, ay maaaring magsilbing mga patnubay sa pagtatakda ng layunin sa buhay at pagpaplano sa karera.
Ang pag-unlad ng personalidad ay kapaki-pakinabang sa pagkakaroon ng makabuluhang mga plano, malinaw na mga ideya, at mga gabay na hakbang. Ang mga ito ay kinakailangan upang maiwasan ang pagsisisi at iba pang mga nakakahinayang na sitwasyon.
© Marissa G. Eugenio/OurHappySchool.com
Kaugnay: